CAGAYAN DE ORO CITY – Isang dayuhan na kasama sa pagbi-bird watching sa kabundukan ng Kitanglad, Bukidnon, ang nahagip ng bala mula sa engkuwentro noong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Esperanza Martinez, chairman ng Barangay Dalwangan, ang nasugatan na si Carlito Gairamara, na guide sa grupo ng pitong dayuhan, na umano’y pawang environmentalist.
Hindi tinukoy ang nationality ng mga dayuhan pero agad na silang naialis mula sa lugar at pawang ligtas na.
Ayon kay Major Christian Uy, tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng engkuwentro ang militar at ang New People’s Army (NPA) sa Bgy. Dalawangan.