NEW YORK (AP) — Pumanaw ang 60 Minutes correspondent na si Bob Simon sa isang car crash noong Miyerkules sa edad na 73.

Inihayag ng CBS Evening News anchor na si Scott Pelley ang pagkamatay ni Simon sa isang special report.

“We have some sad news from within our CBS News family,” pahayag ni Pelley. “Our colleague Bob Simon was killed this evening.

“Vietnam is where he first began covering warfare, and he gave his firsthand reporting from virtually every major battlefield around the world since,” dagdag ni Pelley.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sumalpok ang sinasakyan ni Simon sa isa pang sasakyan sa Manhattan at tumilapon sa mga metal barrier sa gitna ng kalsada, ayon sa pulis. Isinugod ang drayber ni Simon sa ospital kung saan idineklara ang pagkamatay ni Simon.

Nagtamo ng sugat sa binti at braso ang drayber ni Simon. Habang wala namang pinsala ang drayber ng nakabanggaang sasakyan. Walang naaresto, ayon sa pulis, na patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Isa si Simon sa mga kilalang manunulat na nag-cover ng mga gulo simula noong 1960, ayon sa CBS. Siya ang nagsulat ng balita tungkol sa Vietnam War at ang Oscar-nominated movie na Selma sa kanyang career na tumagal ng limang dekada.

Siya ay nagsimulang maglingkod sa 60 Minutes noong 1996. Naging correspondent din siya sa 60 Minutes II.

Pinaghahandaan niya ang isang ulat tungkol sa Ebola virus at nagsasaliksik kung paano maiwasan ang sakit na nakatakdang iere sa Linggo sa 60 Minutes. Siya ay nakikipagtulungan sa kanyang anak na si Tanya Simon, isang prodyuser at naging katuwang niya sa pagbuo ng ilan sa mga istorya niya.

Halos maluha-luha si Anderson Cooper, madalas na gumagawa ng mga istorya para sa 60 Minutes, nang ikuwento niya ang pagkamatay ni Simon. Aniya, kapag si Simon ay naglahad ng istorya, “you knew it was going to be something special.”

“I dreamed of being, and still hope to be, a quarter of the writer that Bob Simon is and has been,” ayon sa CNN anchor. “…Bob Simon was a legend, in my opinion.”

Naging bahagi si Simon ng CBS NewsI noong 1967 bilang reporter at editor, nagko-cover sa mga paaralan at gulo sa lungsod, ayon sa CBS. Naging bahagi rin siya ng CBS’ Tel Aviv bureau simula 1977 hanggang 1981 at sa Washington, D.C. bilang Department of State correspondent.

Maraming natanggap na parangal si Simon, kabilang na ang Peabody at Emmy para sa kanyang istorya mula sa Central Africa sa unang all-black symphony sa mundo noong 2012. Kabilang din ang istorya tungkol sa isang banda sa Paraguay, na ang mahihirap na miyembro ay bumuo ng kanilang instrumento mula sa basura, natanggap niya ang 27th Emmy, ayon sa CBS.

Siya ay pinarangalan din ng Alfred I. duPont-Columbia University Award para sa Shame of Srebrenica, ang 60 Minutes II report noong kasagsagan ng Bosnian War.

Para sa dating CBS News executive na si Paul Friedman, nagtuturo ng broadcast writing sa Quinnipiac University, si Simon ay “one of the finest reporters and writers in the business.”

“He, better than most, knew how to make pictures and words work together to tell a story, which is television news at its best,” pahayag ni Friedman.

Ipinanganak si Simon noong Mayo 29, 1941 sa Bronx. Siya ay kumuha ng History degree sa Brandeis University noong 1962.