Walang maaasahang libreng condom mula sa Department of Health (DOH) sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa Sabado at sa halip ay hinikayat ng ahensiya ang mga magsing-irog na magpigil o mag-praktice ng safe sex.

Ayon kay Acting Health Secretary Janette Garin, hindi na mamamahagi ng condom ang DOH dahil minsan ang nabibigyan nito ay ang mga kaya namang bumili kaya nasasayang lamang ang government resources. Bukod dito ay libre na ring ipinamamahagi ang mga condom sa mga local health center sa buong bansa.

Binigyang diin ni Garin na higit na makabubuti kung iiwas sa pagtatalik ang mga ‘di kasal. Ngunit kung talagang hindi mapipigilan, ay magpraktis ng safe sex at gumamit ng condom upang maprotektahan sa sexually-transmitted diseases at unwanted pregnancies.

Umapela si Garin sa motel at hotel operators na tiyaking mayroon silang sapat na condom para sa kanilang guests.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras