ISANG natatanging Valentine dinner show ang mapapanood ngayong Sabado, Pebrero 14 sa Valencia Events Hall, ang Love Unspoken… na magtatampok sa magaling na piyanista na si Raul Sunico.

Sa pakikipagtulungan ni Mother Lily Monteverde at ng University of Santo Tomas Conservatory of Music, isang gabing punumpuno ng pag-ibig at musika ang handog ni Sunico. May personal touch din ng Regal producer ang gabing ito dahil siya mismo ang namahala sa pag-aayos ng kanyang Valencia Events Hall.

Ang Love Unspoken… ay sasamahan ng ilang sopranos—Nenen Espina, Elise Cortes; Tenors – Rona Ferrer, Eugene de los Santos; Bass Baritone – Juan Francis Jaranilla; Saxophonist – Derick Atangan; Mary Anne Espina – pianist.

Who knows, magkaroon din ng special participation si Mother sa dinner show dahil na rin mahilig siyang tumugtog ng piano.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20