Mahalaga ang matalinong pag-aaral ng mga probisyon ng panukalang Bangsamoro Basic law (BBL) pati na ang mga imbestigasyon at pagdinig na isinasagawa ngayon ng Kongreso. Kumbinsido ako na hindi dapat natin ipagkatiwala ang ating kinabukasan sa mga miyembro ng government panel na nakikipagnegosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa kapayapaan. Waring kuwestiyunable ang mga motibo ng mga miyembro ng panel. Hindi kailanman naging pambansang polisiya na makipagnegosasyon sa mga terorista. Ito ay isang universal policy na ipinatutupad ng halos lahat ng sibilisadong estado.
Buti na lang itinampok ng Senado at ng House committee ang mga probisyon ng BBL na maliwanag na labag sa Konstitusyon. Paano natin matatanggap ang mga probisiyon ng BBL na lantarang isinusuko ang isang bahagi ng pambansang teritoryo sa mga rebelde na nagkukunwaring mga kaagapay sa paghahangad ng kapayapaan sa Mindanao kasabay ng pagdedeklara na mananatili silang isang rebolusyunaryong organisasyon hanggang maaprubahan ang BBL? Mapagkakatiwalaan ba ang mga kaagapay na kumukupkop ng mga terorista?
Ang nangyari sa ating 44 pulis na inatasang maghain ng court warrants sa mga kumpirmadong terorista ay nakababahala at nakahihilakbot. Brutal na pinatay at pinagpira-piraso ba ng mga rebeldeng MILF at kanilang mga kakamping kriminal ang 44 sa sarili nating teritoryo, isinuko sila ng ating government peace panel nang walang anumang pagsusog sa Konstitusyon. Gayunman, binigyang-diin ni Retired Supreme Court Justice Vicente Mendoza, sa isang Senate hearing, na maraming kahinaan ang panukalang BBL. Sa Aklan, nakausap ko si Atty. Allen Salas Quimpo, isang 3-term congressman at kasalukunang president ng Nothwestern Visayan Colleges at sinabi ang kanyang pakay na pag-aralan ang kontrobersiyal na BBL na, aniya, hindi makatotohanan at unconstitutional.
***
Sa Pebrero 19-21, idaraos ang 18th National Press Congress of the Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) sa Cebu City sa temang “FORWARD to ASEAN INTEGRATION”. Kung interesado, makipag-ugnayan lamang kay Mr. Nelson Santos sa CP No. 09178498730.