LONDON (Reuters)– Uumpisahan na ng dating champion na si Lleyton Hewitt ang kanyang preparasyon para sa kanyang huling pagsabak sa Wimbledon ngayong taon sa kanyang paglahok sa Aegon Championships makaraang garantiyahan ng mga organizer ng grasscourt event sa Queen’s Club ang Australian ng wildcard.

Ang ‘di pangkaraniwang hakbang na pagbibigay ng wildcard, bago ilabas ang entry list, ay pabuya para sa 33-anyos na dating world number one na nanalo sa Wimbledon warm-up event ng apat na beses.

Si Hewitt, na nakatakdang magretiro matapos ang Australian Open sa susunod na taon, ay unti-unti nang tinatapos ang career at maglalaro lamang sa dalawang torneo ngayong taon, ang Wimbledon at maging ang Davis Cup.

“It took us roughly two seconds to decide to guarantee Lleyton a wild card!” sabi ni tournament director Stephen Farrow.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20