Napasakamay ng University of the Philippines (UP) ang titulo ng UAAP Season 77 streetdance competition sa pamamagitan ng kanilang entry na tinagurian nilang “luksong tinik†sa Mall of Asia Arena noong Linggo ng gabi.

Nakakuha ang UP ng kabuuang 178 puntos upang ungusan ang Company of Ateneo Dancers (167.3) at ang two-time titlist na La Salle Dance Company-Street (167) upang iuwi ang unang premyo na P120,000.

Ibinalik ang event matapos ang isang taong pagkawala sa kalendaryo ng liga at hindi naman sinayang ng UP Street Dancers ang oportunidad para mangibabaw sa ika-4 na edisyon ng kompetisyon.

Maliban sa kanilang kahanga-hangang dance moves, ipinaalala din ng UP Street ang saya at lugod na inihahatid ng mga katutubong laro na tinaguriang indigenous sports.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

“Gusto naming magbigay ng bago sa mata and at the same time, ako personally panahon ko ‘yung laro ng kalsada like ‘yung patintero, tumbang preso and piko. Gusto ko lang balikan, kasi ‘yung youth, mahilig sa gadgets, somehow naapektuhan ‘yung well being ng mga bata,†ayon kay coach Von Ace Asilo.

“Gusto kong maibalik ‘yung ganitong kultura,†dagdag nito.

Tumapos namang ikaapat ang Adamson CAST na may 160.3 puntos, kasunod ang Far Eastern University Dance Company (151.3), University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe (143.7), University of the East Street Warriors (137), at National University Underdawgz 126.5.