TANAUAN CITY, Batangas – Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng banyo ang isang dating pulis sa RR Alley, Barangay Poblacion 4 sa Tanauan City.

Kinilala ang biktimang si PO1 Michael Castro, 37, dating nakatalaga sa Lumban, Laguna.

Ayon sa report mula kay Supt. Christopher Olazo, hepe ng Tanauan City Police, dakong 12:24 ng tanghali noong Pebrero 4 at nasa bahay nina Cherry Lyn Olipernes at Christopher Evangelista si Castro nang pagbabarilin ng isang alyas “Jayphee”.

Sinundan pa umano ng suspek sa banyo ang biktima at doon pinagbabaril.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Nakarekober umano ang mga pulis ng drug paraphernalia sa naturang bahay, habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.