Geoff Eigenmann

MASAYA si Geoff Eigenmann nang um-attend ng grand presscon ng Kailan Ba Tama Ang Mali, ang bago niyang soap sa afternoon prime ng GMA-7. Kaya sabi ng reporters, mukhang naka-move on na nga si Geoff, ‘kita sa pakikipagbiruan niya sa press habang ini-interview.

Last soap ni Geoff ang Adarna na pinagtambalan nila ni Kylie Padilla at nagkaroon pa ng intriga dahil niligawan daw niya ang actress, kaya nag-break sila ni Carla Abellana.

“Hindi naman totoo ‘yon,” nakangiting sagot ng binata.  “’Kita naman ninyo, I’m still single at ini-enjoy ko ang pagiging single ko.  Wala akong nililigawan at ayaw ko pang magkaroon ulit ng bagong karelasyon.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kung totoo ang sinabi niyang naka-move on na siya, bakit for almost one year ay walang nababalitang may nililigawan siya? 

“Ayaw kong madaliin na manligaw para lang masabing naka-move on na ako kaya may girlfriend na ako.  I still believe na darating ang right girl for me.  I go out naman with friends, but no particular girl akong idini-date.”

Naibiro tuloy kay Geoff na dalawa ang magandang katambal niya sa soap, sina Max Collins at Empress Schuck, na parehong single.  Sino sa kanila ang puwede niyang ligawan? 

Natawa siya bago nakasagot.

“Masaya ako sa dalawa kong katambal sa soap.  Si Max, comfortable na akong kasama siya dahil magkasama kami sa PPL Entertainment, kahit ngayon lang kami nagkatambal.  First time ko rin lang makakatrabaho si Empress.  Sa story, si Empress ang una kong girlfriend pero ang napangasawa ko, si Max.  Nagkaroon ng hindi pagkakasundo sa pagsasama namin ni Max dahil kay Dion (Ignacio) at bumalik ako kay Empress na that time nagsisisi nang iniwanan niya ako.  Masarap makatrabaho ang mga bagong co-stars dahil marami silang naipakikitang bago kaya marami akong natututunan sa acting ng dalawa, lalo na si Empress na award-winner actress na rin.”

Malapit na ang Valentine’s Day, hindi ba siya malungkot na wala siyang someone special on that day?

“Hindi naman, I’m not the type na maghahanap masabi lang na may ka-date ako. I’m secure with myself and I will survive Valentine being alone.  Or I  can be with my mom (Gina Alajar) kasi single din siya,” pabiro pa ring sabi ni Geoff.

Mapapanood na simula sa Lunes, February 9, ang Kailan Ba Tama Ang Mali pagkatapos ng Yagit, na nagtatampok din kina Ryza Cenon, Ervic Vijandre, Chariz Solomon at Shamaine Buencamino, sa direksyon ni Gil Tejada.