DILI, East Timor (AP) — Nagbitiw ang East Timor independence hero na si Xanana Gusmao bilang prime minister noong Biyernes, isang linggo bago ang inaasahang restructuring ng gobyerno.
Si Gusmao, 68, ay isang dating guerilla leader na pinamunuan ang kampanya ng East Timor para sa kalayaan nang magtapos ang pamumuno ng mga Indonesian noong 2002.
Siya ang unang presidente ng bagong bansa, mula 2002 hanggang 2007, at pagkatapos ay naging prime minister sa loob ng pitong taon.
Magdedesisyon ngayon si President Taur Matan Ruak kung tatanggapin ang pagbibitiw ni Gusmao, na sa kanyang pag-aalis ay mawawalan ng East Timor ng isang unifying figure na tumulong sa pagresolba sa maraming krisis.
Sinabi ng isa sa mga tagapayo ni Gusmao na sinabi ng resistance hero na panahon na para ipasa ang responsibilidad sa susunod na henerasyon.