Eula Valdez

SI Eula Valdez ang gumanap bilang Amor Powers sa  orihinal na Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan  nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ano ang saloobin niya ngayong  ipapalabas na ang remake ng seryeng  nagpatindi ng emosyon  ng madlang pipol na nakapanood ng kanyng katarayan?

“Ang tagal na kasi ng plano na ‘yan, eh. Three years pa ‘ata plano na nilang i-remake ‘yang Pangako Sa ‘Yo, ‘tapos tinatanong nila ako kung sino ‘yung para sa akin ay  pabor ako na maging Amor. Ako naman… eh, bahala sila… kasi sila naman ang magdedisisyon diyan, di ba?

“Nung nakita ko ‘yung final choice nila para sa role… happy ako na ire-remake nila, pero para sa akin, sa tingin ko lang ito, ha, parang ang babata nila. Pero  I’m sure magkiklik pa rin ‘yon kasi  ang dami nilang (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) fans,”  sey ni Eula.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagbigay siya ng advice kay Jodi na gaganap na Amor Powers.

“May nagsabi kasi sa akin na sobrang ginagaya ni Jodi eksakto ‘yung pagka-Amor Powers ko dati, sabi ko do’n sa nakausap ko, sabihin niya kay Jodi na huwag niyang gayahin. Dapat gumawa siya ng sarili niya, di ba? Para hindi siya ma-pressure.

“Marami akong ginawa sa Pangako na do’n ko lang din ginawa. Grabe, ‘binuhos talaga namin lahat do’n sa show, yung time, yung pag-iisip kung ano ang magiging itsura ko – sa buhok, make-up, damit. Kanya-kanya talaga no’n.

“Pero kumbaga, do’n din naman ako nag-grow, do’n ako natandaan ng tao kaya malaki din ang nagawa ng Pangako sa akin do’n sa two years na ‘yon,” pag-amin ni Eula.