Tatapusin ng Team Philippines Southeast Asian Games Management Committee ang komposisyon ng pambansang delegasyon sa napaka-importanteng pulong bukas upang mapaghandaan ang kampanya ng bansa sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na pangunahing pagtutuunan ng SEA Games Task Force ang pagtalima sa memorandum ng Commission on Audit (COA) hinggil sa unliquidated accounts ng national sports associations (NSA' s) upang hindi maapektuhan ang preparasyon at pagsasanay ng pambansang atleta.

"May NSA's tayo na hanggang ngayon ay wala pang isinusumiteng SEC registration,” sinabi ni Garcia. “Paano sila makakakuha ng funding at exposure o training kung simpleng bagay lamang na irehistro ang kanilang asosasyon ay hindi pa magawa.”

Itinakda ng Task Force ang deadline para sa pagpasa ng pinal na lineup ng bawat NSA’s sa Marso 1 subalit patuloy pa rin na hindi na nakukumpleto ang dokumentong hinihingi ng COA upang agad na mapunan ang kinakailangang pondo ng mga asosasyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Matagal na nating ipinapaliwanag sa kanila ang COA memo sa kanilang mga unliquidated accounts. Unless they are responsible enough to do their share and fulfill their responsibility, saka lang nila makukuha ang tulong mula sa ating gobyerno. We have to follow their regulations,” giit pa ni Garcia.

Makakasama ni Garcia sa pulong sina Team Philippines Chef de Mission at POC Treasures Julian Camacho at maging ang mga deputy na sina POC director Cynthia Carrion ng gymnastics at Ernesto Echauz ng sailing.