LUNA, Apayao - Hindi na makilala sa pagkadurog ng katawan ang isang ginang matapos siyang masabugan ng hinihinalang granada sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Pudtol, ayon sa Apayap Police Provincial Office sa bayang ito.

Kinilala ng mga anak ang biktimang si Zusima Juan Tailan, 48, ng Barangay Doña Loreta, Pudtol, Apayao.

Nangyari ang insidente dakong 4:20 ng umaga noong Pebrero 1.

Ayon sa pahayag ng mga anak, gabi ng Enero 31 nang umalis ang kanilang ama at nagtungo sa Sitio Simanual sa Pudtol, at kinaumagahan ay nagising na lang sila sa lakas ng pagsabog mula sa kusina at nang kanilang puntahan ay nakita nila ang kanilang ina na nakahandusay at halos maghiwa-hiwalay ang katawan.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod