STO. TOMAS, Batangas – Isang Japanese ang natagpuan ng kanyang driver na nasa loob ng kotse at wala nang buhay sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Hidetoshi Miyamoto, 34, assistant sales manager ng Elekstrisola sa Malaysia, at residente ng Parañaque City.

Ayon sa report ni PO1 Karlo Castillo, dakong 4:30 ng hapon nitong Enero 29 nang matagpuan ng driver na si Galo Tranquilino ang bangkay ng amo sa loob ng service nitong Toyota Vios.

Nakaparada ang sasakyan sa parking lot ng Tsukasa Electric Philippines sa loob ng First Philippine Industrial Park (FPIP) sa Barangay Sta. Anastacia.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Atake sa puso ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng dayuhan.