Ikasampung dikit na panalo na magpapakatatag sa kanilang pagkakaluklok sa liderato ang tatangkain ng defending women`s champion Ateneo, habang manatili naman sa pamumuno sa men`s division ang pag-aagawan ng Ateneo, defending champion National University (NU), University of Santo Tomas (UST) at Adamson sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 77 volleyball tournament.

Makakaharap ng Lady Eagles ang kapitbahay na University of the Philippines (UP) sa women`s division sa ganap na alas-2:00 ng hapon kasunod ng mga laro sa men`s division na magsisimula sa ganap na alas-8:00 ng umaga sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Tatangkain ng Lady Eagles, sa pangunguna ni reigning MVP Alyssa Valdez, kabalikat ang mga beteranong hitters na sina Amy Ahomiro at Ella de Jesus, rookie Bea de leon, setter Jia Morado at libero Denden Lazaro, na makapagposte ng kumbinsidong panalo kontra sa Lady Maroons na pinahirapan sila sa una nilang pagtutuos sa first round.

Para naman sa UP, sisikapin nilang Awitanmakabawi sa nasabing pagkatalo upang makakalas sa kasalukuyang pagkakabuhol nila sa UST, Far Eastern University (FEU) at National University (NU) sa ikatlong opuwesto na pawang hawak ang kartadang 4-5 (panalo-talo).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa tampok na laban, patatatagin naman ng La Salle Lady Spikers ang pagkakaupo sa ikalawang posisyon sa pagsagupa nila sa Lady Bulldogs na hangad makabangon sa kabiguang nalasap sa kamay ng Tigresses sa nakaraan nilang laban, ang kanilang unang pagkatalo sa ilalim ni coach Roger Gorayeb.