AGONCILLO, Batangas— Nakita sa CCTV ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang pulis na ikinasugat pa ng isang babaeng tinamaan ng ligaw na bala sa Agoncillo, Batangas.

Pinuntiryang patayin ng mga suspek ang biktimang si PO1 Niño Marlou Atienza, 29, pulis na naka-detail sa San Nicolas, Batangas.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa kaliwang braso ang pasahero ng isang tricycle na si Jocelyn Gregorio, 46.

Ayon sa report ni PO2 Arwhin Mercado, bandang 4:00 ng hapon noong Enero 27, minamaneho ni Atienza ang kanyang Ford Ranger (ZNY- 286) nang tapatan ng motorsiklo sa national highway na sakop ng Barangay Subic Ibaba at pagbabarilin. Bumangga ang sasakyan ng biktima sa tricycle na sinasakyan ni Gregorio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binalikan pa umano ng gunman si Atienza, binuksan ang pintuan ng sasakyan nito at muling pinagbabaril at kinuha ang bag ng biktima bago tumakas. Narekober sa lugar ng krimen ang 21 basyo ng bala ng 45 caliber na baril.