Sinandigan ng San Beda College (SBC) ang kanilang matitinding atake upang dispatsahin ang Lyceum of the Philippines, 4-0, at makamit ang kanilang ikalimang sunod na titulo sa pagtatapos ng  NCAA Season 90 seniors football championship sa  Rizal Memorial pitch.

Inumpisahan ni Shaun Soberano ang pag-iskor para sa Red Lions nang maipasok nito ang isang goal sa 40th minute na sinundan ni Miguel Caindec ng ikalawang goal matapos ang nakaraang 1 minuto.

Pormal na sinelyuhan ni Ashley Flores  ang panalo, ang kanilang ika-22 pangkalahatang titulo, sa pamamagitan ng dalawa pang goals sa 81st at 86th minute.

Nagbigay lamang ng using goal  sa kabuuan ng torneo ang  San Beda dahil na rin sa mahusay nilang defender na si Matthew Asong na siyang nahirang na season MVP.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nagawa ring walisin ng Red Lions ang lahat ng individual awards nang angkinin nina Anton Albao (Best Goalkeeper), Soberano (Best Midfielder), Flores (Best Striker) at Christopher Pedimonte (Best Coach) ang mga parangal.

Samantala, ang second place finish ang siya namang pinakamataas na pagtatapos na naitla ng Lyceum ni  coach Popoy Clariño magmula ng lumahok sila sa liga noong 2011.