Jennylyn-Derek-copy1

MUKHANG sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na ang hottest love team ngayon. Pagkatapos nilang manalo bilang best actor at best actress sa Metro Manila Film Festival 2014 para sa pelikulang English Only, Please ay heto at sunud-sunod na ang offers sa kanila na magtambal uli sa projects.

Palibhasa hindi kasosyo ang Viva Films sa English Only, Please ay nagkaideya silang ipag-produce ng pelikula sina Derek at Jennylyn.

Sa isang panayam ay nabanggit ni Derek na may offer ang Viva Films sa kanila ni Jennylyn na kasalukuyan pang under negotiation.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

At dahil na rin sa tagumpay ng EOP ay may plano nang gawan ng sequel ang pelikula na hindi lang sure kung pang-MMFF o ipalalabas nang mas maaga.

Maging si Jennylyn ay biglang nagningning ang career dahil dagsa ang product endorsements offer na hindi pa puwedeng i-reveal, apat ang movie offers, at bisi-bisihan din sa taping ng serye niya sa GMA-7 at rehearsal para sa upcoming pre-Valentine Concert na Oo Na! Ako na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako na gaganapin sa Feb. 13 sa SM Skydome.

Biniro si Jennylyn kung ano ang pipiliin niya, love life o career at kaagad niyang sinabing, ‘career!’