NARITO ang ikatlong bahagi ng ating paksa tungkol sa mga palatandaan na nagtatagumpay ka na sa buhay. Ipagpatuloy natin...

  • Malaya mong nagagawa ang iyong hilig. – Hindi ka tuod. Hindi ka estatwa. At lalong hindi ka rin ka kanal na hindi na dumadaloy ang tubig. Alam mong mayroon kang maiaambag sa daigdig. May taglay kang talento at galing. Sapagkat alam mo ang iyong kakayahan, gumagawa ka ng paran upang lalo kang maging mahusay sa larangang iyong nakahiligan.
  • Mayroong mga bagay na iyong pinananabikan. – Kung wala kang pinananabikan sa iyong buhay, unti-unti nang namamatay ang iyong loob. Ang matatagumpay na tao ay lumilikha ng kanilang aasintahin – bagay na kanilang gusto o nakahiligang gawin. Hinahayaan nilang pangunahan ng pananabik ang kanilang buhay.
  • National

    4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

  • May mga pangarap kang natupad. – Kahit bahagi na ng buhay ang kabiguan, hindi ka bumitiw sa iyong mga goal at mga pangarap hanggang hindi mo ito natutupad. Sapagkat nakatikim ka ng tagumpay, hindi ka titigil hanggang makamit mo pa ang mas maraming tagumpay.
  • May malasakit ka sa iba. – Ang taong walang malasakit ay katulad ng isang bangkay. Katumbas ng pagmamalasakit ang paghahasik ng pag-ibig at positibog enerhiya sa daigdig. Alam ito ng matatagumpay na tao. Mahal nila ang kanilang kapwa na parang kapamilya.
  • Handa kang magmahal. - Ang pag-ibig ay pakikipagsapalaran, at kung minsan, nakakatakot. Ngunit kailangan nating umibig, at ang nakakatakot lang ay ang tanggihan ang iniaalok nating pagmamahal. Kung bukas ang iyong puso para magmahal at handa kang mahalin ng iba, nagtagumpay ka na.

  • Wala kang pakialam kung ano ang iniisip ng iba. – Alam mong hindi mo mapasasaya ang lahat ng tao. Alam mo rin na ang mga pamantayang ginagamit ang mga lipunan para husgahan ang mga tao ay hindi makatotohanan. Kaya manatiling totoo sa iyong sarili at tuparin ang iyong mga responsibilidad.

Tatapusin bukas.