TOKYO (AP) — Nakipag-ugnayan ang Japan noong Lunes sa Jordan at iba pang mga bansa upang sagipin ang isang bihag ng grupong Islamic State.
“We all have one unchanged goal and we will absolutely not give up until the end. And with that faith, we will try our utmost to reach that goal. That’s how it is,” sinabi ni Yasuhide Nakayama, Japanese deputy foreign minister na ipinadala sa Amman, Jordan, upang tugunan ang krisis.
Sa Tokyo naman, sinabi ni government spokesman Yoshihide Suga na pinag-aaralan pa ng mga mamamahayag ang video na ipinaskil sa online na nagsasabing pinugutan na ang isa sa mga bihag na si Haruna Yukawa.
Nasa crisis mode ang gobyerno simula nang sabihin ng Islamic State group sa isang online video noong Enero 20 na hawak nito ang dalawang Japanese hostage at nagbantang papatayin sa loob ng 72 oras kapag hindi nagbayad ng $200 million. Pumaso ang deadline noong Biyernes.
Nakasentro ngayon ang atensiyon sa pagsagip kay Kenji Goto, 47, journalist, na ipinakita sa video, na hawak ang litrato ni Yukawa. Kasabay ng litrato ang recording ng isang boses na nagpapakilalang si Goto, sinabing hindi na humihingi ng ransom ang mga dumukot sa kanya kundi nais na ng prisoner exchange.