SANAA (Reuters) – Nagbitiw si Yemeni President Abd-Rabbu Mansour Hadi noong Miyerkules, ilang araw matapos makubkob ng mga rebeldeng Houthi ang kanyang presidential palace, inilagay ang maligalig na bansang Arab sa ganap na kaguluhan at nawalan ang Washington ng pangunahing kaalyado laban sa al Qaeda.

Sinisi ni Hadi, isang dating heneral, ang pagkontrol ng mga Houthi sa Sanaa sa dalawang taon nang pagtatangka na ilihis ang Yemen sa katatagan matapos ang ilang taon ng panggugulo ng iba’t ibang grupo, lumalalang kahirapan at US drone strikes sa Islamist militants.

“This is a coup,” sabi ni Ahmed al-Fatesh, isang hotel security supervisor, nagpahiwatig na pinuwersa si Hadi na bumaba sa puwesto. “The Houthis took power by force. Hadi is a legitimate president and was elected by more than 6 million Yemenis. Hadi tried to bring the political forces together.”
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3