Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na magiging madali ang paghahanda ng pulisya nila sa idaraos na Asian-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kung ikukumpara sa inilatag na seguridad sa pagbisita ni Pope Francis noong nakaraang linggo.

Bagamat malayo pa ang APEC, magiging maayos ang okasyon para sa PNP dahil tiyak na mapangangalagaan ng pulisya ang mga bibisitang state leader.

Tiniyak naman ng PNP na magiging plantsado ang lahat ng kanilang hakbangin para sa maayos at payapang summit.

Pinakilos na rin ng PNP ang Intelligence Division upang i-monitor ang lagay ng seguridad sa bansa.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon