Opisyal na idineklara ng Department of Education (DepEd) na ang early registration period para sa school year 2015-2016 ay magsisimula sa Sabado, Enero 24.

Upang matiyak na ang mga magulang at guardian ay magkakaroon ng sapat na panahon upang maipatala ang kanilang mga anak para sa susunod na school year, pinalawig ng DepEd ang Early Registration program sa mahigit isang buwan.

Idineklara ni Education Secretary Armin Luistro – sa DepEd Order No. 1 series of 2015 na may petsang Enero 22 – na ang Early Registration Program ay magsisimula sa Enero 24 (Sabado) hanggang sa Pebrero 27, 2015 (Biyernes).

Idinagdag ni Luistro na sa tulong ng mga lokal na opisyal at ng civic organizations, isang “massive advocacy campaign to find children and youth in the communities not currently enrolled and bring them back to school” ang sabay na isasagawa sa mga petsang ito.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?