NEW YORK (AP) – Nagtatag si Mick Jagger ng fashion scholarship bilang pagbibigay-pugay sa kanyang yumaong nobya, ang fashion designer na si L’Wren Scott.

Sa pamamagitan ng scholarship ay mapagkakalooban ng master’s degree ang isang estudyante kada taon sa loob ng tatlong taon upang makapag-aral sa elite na Central Saint Martins, inihayag nitong weekend ng kolehiyong nakabase sa London.

Si L’Wren, na nagpakamatay noong Marso sa edad na 49, ay malapit sa isang course director sa Central Saint Martins, ang yumaong si Louise Wilson.

Sa isang pahayag, sinabi ni Fabio Piras, kasalukuyang course director ng MA Fashion, na siya ay “very grateful to receive this extremely generous scholarship package.”

National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Saklaw ng grant ang matrikula at ilang pang-araw-araw na gastusin ng estudyante.

Labingtatlong taong naging magkarelasyon si L’Wren at ang front man at founding member ng The Rolling Stones. Nang mamatay noong Hulyo ng nakaraang taon ay iniwan ng fashion designer kay Mick ang lahat ng kanyang ari-arian na nagkakahalaga ng $9 million.