Pilit na magtitipon ng kinakailangang puntos ang Philippine Badminton Association (PBA) Smash Pilipinas National Team sa paglahok sa overseas tournaments sa Iran, Austria at Germany sa susunod na buwan na ang layunin ay may isang Pinoy shuttler ang makuwalipika sa 31st Summer Olympic Games sa Rio de Janeiro sa Brazil sa 2016.

Inihayag ni PBA-Smash Pilipinas foreign coach Paulus Firman na maagang nagsanay ngayong taon ang koponan bilang pagtugon sa Badminton World Federation (BWF) Olympic point system qualifying ranking format sa torneo na sanctioned ng governing body na papasinayaan sa Mayo 1.

“We are planning to join tournaments in Iran, Austria, and Germany this February to hone the skills of the players,” sinabi ni Paulus kung saan ay ilan sa binabalak nitong salihan ng mga Pinoy ang Iran Fajr International Challenge sa Tehran sa Pebrero 12-15, ang Austria Open sa Vienna sa Pebrero 18-21 at Yonex German Open sa Pebrero 24-Marso 1.

“The players need more exposures in international play since most of them are very young, particularly our seniors and juniors,” pahayag ni Paulus na nakatakdang pangalanan sa susunod na araw ang mga isasabak na manlalaro. “But I will only choose few players.”

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ipinaliwanag ni PBA-Smash Pilipinas team manager Atty. Jackie Cruz na pangunahing target nina PBA chairman Manuel V. Pangilinan at secretary general Cong. Alfredo Alberto “Albee” Benitez na magkaroon ng unang Pilipinong badminton Olympian sa Rio de Janeiro Olympics.

“Our goal is to produce an Olympian and that’s possible we believe despite the toughest badminton countries are here in Asia,” giit ni Cruz na idinagdag na magsasagawa rin ang PBA ng maraming lokal na torneo ngayong taon para makadiskubre ng mga bagong player.

Upang makapasok sa Olympics ay dapat na lumahok ang mga player sa ilang BWF-sanctioned tournaments sa Mayo 1 hanggang Mayo 2016 para makatipon ng ranking points pa-Rio de Janeiro na susulong sa Agosto.

Nakataya ang 38 silya sa men’s at women’s singles habang 16 na pares naman sa men’s, women’s at mixed para sa 2016 Olympics.