ANG Highway 2000 ay isang diversion road sa bahagi ng Barangay San Juan sa Taytay, Rizal, May apat na kilometro ang haba at naglalagos sa Barkadahan Bridge at Manggahan Floodway sa Taytay at C-6 patungong Taguig City. Ang Highway 2000 ay ang alternatibong daan ng mga motorista upang makaiwas sa trapik sa Ortigas Avenue patungo sa Metro Manila. Ang pagbubukas ng Highway 2000 ay naisip at sinimulan noon ni dating Taytay Mayor godie Valera. Ang proyekto ay kanyang inilapit kina dating Rizal governor Casimiro Ito Ynares Jr. at dating Rizal Congressman Dr. Gilberto Bibit Duavit na pinagtulungang pondohan at naging sementado ang kalsada.

Ngunit sa paglipas ng panahon, dahil sa lahat halos ng malalaking truck, unti-unting nasira ang Highway 2000. Maputik kung tag-ulan. Maalikabok at lubak-lubak kung tag-araw. Parusa sa mga motorista ngunit nagtitiyaga makaiwas lamang sa trapik sa Ortigas Avenue. Ang nasabing problema sa Highway 2000 ay ipinarating na sa lokal na opisyal at kongresista at sa pamahalaan panlalawigan. Nagkaisa sina dating Rizal Gob Jun Ynares lll at Representative Joel Roy Duavit, ng unang distrito ng Rizal na lutasin ang problema sa Highway 2000. Nagtulong sa paglapit sa Department of Public Works and Highways upang mapondohan ngunit hindi agad natugunan. Nang malipat sa Rizal Engineering District l si Engineer Roger Crespo, nakipagpulong sina Rep Joel Roy Duavit at Rizal governor Jun Ynares. gumawa ng follow-up sa DPWH at nabigyan ng pondo para sa Highway 2000. Ayon kay Eng. Crespo, iniutos ng DPWH na magkaroon ng bidding sa proyekto sa Highway 2000. Napondohan ang proyekto.

Ang proyekto na batay sa kontrata ay nagkakaalaga ng P47.9 milyon. Sinimulan ang noong Enero 6, 2015 at matatpos sa Nobyembre 1, 2015. Nagsagawa nitong Enero 14 ng ground breaking sa Highway 2000. Nagkaroon ng isang simpleng programa. Naging mga panauhin sina Rizal governor Nini Ynares, Representative Joel Roy Duavit, ng unang distrito ng Rizal, Antipolo City Mayor Jun Ynares lll, Taytay Mayor Janet De Leon at iba pa. Sa bahagi ng mensahe ni Rizal governor. Nini Ynares, pinasalamatan niya sina Rizal Represenative Joel Roy Duavit at Antipolo City Mayor Jun Ynares lll na noong governor ng Rizal, kasama ni Representative Joel Roy Duavit ang nagtulong upang magkaroon ng total improvement ang Highway 2000. Pinasalamatan din niya ang Rizal Enginering District sa pangunguna ni Eng. Crespo na tumulong sa katuparan ng gagawing proyekto. Nanawagan din si Gob Ynares na patuloy na suportahan ang YES (Ynares Eco System) To green Programn ng pamahalaang palalawigan ng Rizal.
National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>