MAJA Salvador and Gerald Anderson

KUWENTO ni Gerald Anderson sa press conference ng Halik sa Hangin, getting stronger pa rin ang relasyon nila ni Maja Salvador.

Sa katunayan, isinama niya uli ang kasintahan sa General Santos para lalong maipakilala ang kanyang bayang sinilangan.

“Ipinakita ko sa kanya kung saan ako lumaki. Nag-camping kami which is first time for me. Ang saya,” kuwento ng aktor.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa pamamagitan ng mga ganitong bagay ay nailalapit niya ang aktres sa kanyang pamilya.

“Okay naman. Kumbaga, day by day naman. It’s a process. Ganu’n talaga ang relasyon eh.”

Mukhang si Maja na raw ang kanyang makakasama sa habambuhay, tulad din naman ni Maja na umaasang si Gerald na rin ang huling lalaki sa kanyang buhay.

"Sobra lang kaming nagpapasalamat sa lahat ng blessings. And may panibago akong blessing sa simula pa lang ng taon (ang bagong pelikula na pinagbibidahan nila nina Julia Montes at JC de Vera). What else can I ask for?”