DUBAI (Reuters)– Maglalaro si Andy Murray ng Britain sa Dubai Duty Free Tennis Championship, sinabi ng mga organizer ng torneo kamakalawa.

Si Murray ay mapapahanay sa isang field na kinabibilangan din ni world number one Novak Djokovic at 17-time grand slam champion Roger Federer.

Ang Scot, ikaanim sa mundo, ay mayroong magkahalong kapalaran sa Dubai, nagtapos na runner-up kay Federer noong 2012, ngunit nakatikim ng quarterfinal defeats sa dalawa sa kanyang tatlong iba pang pagbisita.

Napanalunan nina Djokovic at Federer ang titulo sa Dubai ng 10 beses sa pagitan nila, kabilang ang huling anim na titulo.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ang women’s event, na mag-uumpisa sa Pebrero 15, isang linggo bago ang men’s event, ay katatampukan ng walo sa top 10 sa mundo, kabilang sina Serena Williams, Simona Halep, at Petra Kvitova