Enero 18, 1919 nang simulan ng ilan sa pinakamakakapangyarihan sa mundo ang nakapapagod na negosasyon na magwawakas sa World War I. Sa sumunod na anim na buwan, pinanghawakan ng Allied forces ang mahahalagang desisyon, habang isinusulong ni noon ay US President Woodrow Wilson ang ideya niya ng “peace without victory.”

Para kay Wilson, hindi kinakailangang parusahan nang matindi ang Germany, na natalo sa digmaan. Ngunit ayon kina France Prime Minister Georges Clemenceau at Britain Prime Minister David Lloyd George, ang sapat na parusa sa Germany ang pinakawastong tugon. Kalaunan ay naikompromiso na ni Wilson ang kanyang paninindigan.

Nang sumunod na Mayo lang pinahintulutan ang ilang kinatawan ng Germany na dumalo sa peace conference, at iprinisinta sa kanila ang paunang bersiyon ng Versailles Treaty. Nalungkot ang mga German sa probisyon na nag-oobliga sa kanilang isuko ang ilang bahagi ng kanilang teritoryo, at nakasaad sa tratado na tanging ang Germany lang ang responsable sa World War I.

Hunyo 28, 1919 nang lagdaan ang Treaty of Versailles.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3