Magbabalik sa susunod na Linggo (Enero 25) ang family-oriented, community based grassroots development at physical fitness program ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY N’ LEARN sa Burnham Green sa Luneta Park.

Ito ang ipinabatid ni PSC Chairman Richie Garcia sa pagpapatuloy ng tatlong taong programa na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang para mapangalagaan ang kalusugan, maayos na pangangatawan at aktibong paglahok sa iba’t ibang sports na libreng itinuturo ng mga miyembro ng pambansang koponan.

“We will be expanding more in the provinces,” sinabi ni Garcia. “Mas marami na kasi ang mga probinsiya na humihiling sa atin na isama sa programa dahil nakikita nila mula sa mga naunang nagpatupad ng programa ang benepisyo at tulong sa kanilang kalusugan na bitbit ng ating programa.”

Unang inilunsad ang programa noong Pebrero 2012 sa Luneta Park kasabay sa nationwide fun run ng kapwa sangay nito sa gobyerno na PhilHealth bago lumawak sa pagkakaroon ng 12 iba pang mga lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maliban sa Luneta ay isasagawa uli ang programa sa Quezon City Circle, Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, New People’s Park sa Bacolod City, Cebu Sports Complex sa Cebu City, Provincial Park sa Iloilo City, Burnham Park sa Baguio City, San Carlos City Park sa Negros Occidental at sa City Hall park sa Paranaque.

Sunod na sisimulan ang programa sa Pebrero 6 sa Kawit, Cavite na isasabay sa death anniversary ng unang pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang pagsisimula ng programa sa probinsiya.

Limang iba pang probinsiya ang nakatakdang magsagawa ng programa na pinangungunahan ng bagong kinilalang New Seven Wonders Cities of the World na Vigan at ang paboritong dayuhin na bakasyunan sa Kalibo, Aklan. Nakatakda rin ilunsad ngayong taon ang programa sa Dumaguete City, Mindoro Oriental at ang tinamaan ng hagupit ng matinding bagyong ‘Yolanda’ na Tacloban City sa Leyte.

Sinabi ni PSC Research and Planning chief at PSC Laro’t-Saya sa Parke Project Manager Dr. Lauro Domingo Jr. na ang Vigan City ang ika-12 probinsiya kasunod ang Kalibo, Aklan.

“Gusto ni PSC Chairman Richie Garcia na bigyan ng prayoridad ang Tacloban City para makatulong doon sa mga kabataan at iba pa na paunti-unting makalimutan ang trahedya na tumama sa kanila sa pamamagitan ng muling pagbibigay sa kanila ng mga aktibidad sa sports,” sinabi ni Domingo.

Ikinatuwa naman ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Bongabong, Oriental Mindoro Mayor Hercules “Bobot” Umali at Dumaguete City Mayor Manuel “Chiquiting” T. Sagarbarria ang tulong ng PSC para sa pagsasakatuparan ng programa sa kanilang probinsiya.

“We could reach a total of 15 local government units that will implement our Laro’t-Saya program next year although there are more knocking in our door. Vigan and Aklan supposed to be are scheduled to be launched this year but decided to do it early 2015 so as to complete their year-round program,” giit

pa ni Domingo.