Sinunog ang P66.2-milyon halaga ng marijuana ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) makaraang salakayin ang isang malawak na taniman nito sa dalawang munisipalidad sa Benguet.

Sa ulat ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., umabot sa 13,000 metro kuwadradong taniman ang sinalakay ng awtoridad sa bulubunduking lugar ng Kibungan, na roon nadiskubre ang pasilidad na pinag-iimbakan ng pinatuyong marijuana.

Kabilang sa sinunog ng PDEA ang 215,000 gramo ng tangkay ng marijuana; 200,000 gramo ng bloke ng marijuana; at 78,950 malaking puno ng marijuana na sa kabuuan ay may street value na P66.2 milyon.

Nabawi rin ng awtoridad mula sa pasilidad ang tatlong pneumat ic jack, dalawang timbangan, isang steel molder at isang wooden molder na ginagamit sa pagpoproseso ng kontrabando.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tiniyak ni Cacdac na hindi titigilan ng PDEA at PNP ang kampanya laban sa pagtatanim at pagbebenta ng marijuana galing sa Cordillera Region, na karamihan sa biktima ay kabataan.