NASUGBU, Batangas – “Pag-ibig, masdan ang ginawa mo…”

Parehong problema sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang babae at isang lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Nasugbu, Batangas.

Posibleng dahil umano sa takot na magkatotoo ang tsismis na buntis siya, nagbigti noong Enero 11 ang 17-anyos na si Mary Jane Quinag, first year college sa Tagaytay City Institute, ayon sa report ni SPO2 Jose Elpidio Bruno Jr.

Nauna rito, iniiyakan ng dalagita ang tsismis sa eskuwelahan na buntis siya. Inamin na rin umano ni Quinag sa kanyang matalik na kaibigan na tatlong buwan na siyang hindi nireregla at nakipag-away siya sa kasintahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, posibleng ang hindi magandang pakikipagrelasyon sa live-in partner ang dahilan sa pagbibigti ng 21 -anyos na si Aries Gatchalian.

Natagpuang nakabitin sa kisame ng banyo ang biktima sa loob ng inuupahang apartment sa Barangay 6.

Batay sa salaysay sa pulisya ng kinakasama ni Gatchalian na si Angeline Obille, nakipaghiwalay siya sa una dahil sa pananakit nito pero nang magkabalikan sila ay hindi na naging maayos ang kanilang relasyon.