TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Personal na inabutan kahapon ng kaunting halaga bilang pabuya at napakahalagang pagkilala sa isang kolektor ng basura na kamakailan ay nagsauli ng napulot na pera sa lungsod na ito.

Sa isang simpleng programa sa harap ng munisipyo, pinangunahan ni City Mayor Lina Montilla ang pagkakaloob ng pabuya kay Jesus Pamulga, job order employee sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng munisipyo, dahil sa pagsasauli nito ng P13,500 cash na napulot nito sa isang basurahan sa tapat ng St. Louis Hospital sa siyudad.

Ang pera ay nawaglit sa isang burger stand ng isang working student.

Sinabi ni Montilla na maaaring maliit lang ang halagang ipinagkaloob kay Pamulga pero napakalaki naman ng naibigay nitong inspirasyon sa ipinamalas na katapatan ng isang kawaning hindi nagsamantala sa kabila ng kakarampot na kinikita. - Leo P. Diaz
Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?