CLEVELAND (AP)– Umiskor si James Harden ng 21 puntos, habang gumawa si Dwight Howard ng 17 puntos at 19 rebounds upang pangunahan ang Houston Rockets sa panalo, 105-93, kontra sa Cleveland kahapon.

Ang Cavaliers ay naglaro sa kanilang ikaanim na sunod na laban na wala si LeBron James.

Humulagpos ang Rockets sa isang 15-5 run sa ikaapat na yugto at iniabot sa Cavs ang kanilang ikapitong pagkabigo sa siyam na laro.

Gumawa si Corey Brewer ng isang pares ng 3-pointers at nakaiskor ng walong sunod na puntos sa pag-atake ng Houston.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naitala ni Kyrie Irving ang season-high na 38 puntos at nagdagdag si Kevin Love ng 17 puntos at 16 rebounds para sa Cavs, na natalo ng ikaapat na sunod sa kanilang bakuran. Hindi nakaiskor si J.R. Smith sa 19 minuto sa kanyang Cleveland debut. Ang unpredictable guard ay nakuha ng koponan nitong linggo mula sa Knicks kasama si Iman Shumpert.

Sinabi ni James na target niyang makabalik sa loob ng isang linggo mula sa kanyang nananakit na likod at tuhod.

Sa kasagsagan ng laro, nakumpleto ng Cavs ang kanilang ikalawang malaking trade sa loob ng tatlong araw, nakuha ang 7-foot-1 center na si Timofey Mozgov na mula sa Denver kapalit ang dalawang first-round draft picks.

Lumamang ang Cavs sa 74-63 matapos ang tatlong quarters at nakalapit sa 80-79 makaraaan ang 3-pointer ni Matthew Dellavedova bago nakontrol ng Rockets ang laro.

Nakaiskor sa loob si Howard at naipasok ni Brewer ang kanyang dalawang 3s kasunod ang dalawang free throws para itala ang bilang sa 88-79. Ang 3-pointer ni Harden ang nagbigay sa Houston ng 98-86 na abante may 2:19 natitira, ngunit hindi basta nagpaiwan ang Cavs at nakalapit sa pito nang isang malayong 3s ni Josh Smith para sa Houston ang tuluyang nagpako sa Cleveland.

Si Irving, na hindi nakapaglaro noong Lunes dahil sa sore back, ay umiskor ng 23 sa first half. Ang All-Star ay gumawa ng 16 sa second quarter, nakakuha ng 3-pointer sa mga huling segundo upang tapyasin ang abante ng Houston sa 49-48 sa break.

Si Harden, ang leading scorer ng NBA sa kanyang 27 puntos kada laban, ay 2-of-10 lamang mula sa field sa opening half.

Resulta ng ibang laro:

Milwaukee 97, Philadelphia 77

Washington 101, New York 91

Charlotte 98, New Orleans 94

Atlanta 96, Memphis 86

Boston 89, Brooklyn 81

Utah 97, Chicago 77

Detroit 108, Dallas 95

Denver 93, Orlando 90

Phoenix 113, Memphis 111