MILWAUKEE (AP)– Sinalubong ng Milwaukee Bucks si Larry Sanders sa kanyang pagbabalik kahapon, kahit pa hindi siya nakasuot ng uniporme at nakaupo sa dulo ng bench.

Hindi naglaro ang 6-foot-11 na center sa huling pitong laban, kabilang ang pagkatalo ng koponan sa Phoenix Suns, 102-96. Hindi pa siya naglalaro mula sa home game ng Bucks kontra Charlotte noong Disyembre 23.

Walang masyadong sinabi ang koponan tungkol sa kanyang pagkawala maliban sa ito ay dahil sa mga personal na kadahilanan. Naging ugat ito ng mga ispekulasyon tungkol sa kung ano talaga ang dahilan at maaaring ayaw na niya sa basketball.

''It feels great to be around the guys again,'' sabi ni Sanders sa kanyang unang public appearance kasama ang koponan matapos ang dalawang linggo. ''There is no timetable for my return.''

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naging palaisipan ang mga tinuran ni Sanders, ngunit sinabi niyang nagiging progresibo na siya, at tinatalakay ang ugat ng kanyang mga isyu at itinatama ang mga ito.

''Without these things being corrected, I don't think basketball will be something I can even do,'' aniya.

Sinabi niyang ang mga usap-usapan na tatalikuran na niya ang paglalaro ay hindi totoo.

''But, what is true,'' sabi niya. ''Is that I'm in the process of working things out now to do as best for my psyche and my physical health going forward. There's a lot of evaluating going on. There's a lot of inside talk just to put myself in the best place for my health right now.''

Bago ang laro laban sa Suns, ang Bucks ay 4-2 habang wala si Sanders.

''We want Larry to get back as soon as possible. It makes us a better team,'' saad ni coach Jason Kidd. ''Now, we need to go through the process of getting him back into the swing of things.''

Si Sanders ay nasa unang taon ng kanyang four-year, $44-million contract extension. Siya ay nag-umpisa sa 26 ng 27 laro at may average na 7.3 puntos at 6.1 rebounds.

''We're going to support him,'' turan ni Bucks guard Khris Middleton. ''He's one of our teammates. He's our brother. We're always going to be there no matter what. He's a big part of our team.''