Iniulat ng Department of Health (DoH) na pumalo ng 860 ang bilang ng mga firecracker-related injury na naitala ng ahensiya sa pagsalubong sa 2015.

Ayon kay Acting Health Secretary Janette Garin, ang naturang bilang ay naitala mula Disyembre 21, 2014 hanggang Enero 5, 2015.

Sinabi ng DoH na mas mababa ng 16 porsiyento ang naturang bilang kumpara sa naitalang 1,018 sa nakaraang taon.

Ito na rin aniya ang naitala nilang pinakamababang bilang ng firecracker-related injuries simula 2009.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa nasabing bilang, 840 ang nasugatan dahil sa paputok, 17 ang nasugatan dahil sa stray bullet habang pito ang nakalunok ng paputok.

Isa naman ang iniulat na nasawi dahil sa ligaw na bala.

Nangunguna pa rin ang lungsod ng Maynila sa dami ng naging biktima sa 37 porsiyent o katumbas ng 180 kaso.

Sa kabila naman nang pagbaba ng bilang ng mga naputukan, sinabi ni Garin na aktibo pa rin nilang isusulong ang total ban laban sa mga paputok sa susunod na taon upang tuluyan nang maiwasan ang sakuna bunsod nito.