Maja-Salvador-and-Gerald-Anderson2

KABALIGTARAN NINA KC AT PAULO

SUNUD-SUNOD ang mensaheng natanggap namin kahapon habang naghahabol ng deadline at naaliw kami sa mga tanong sa amin ng mga nakapanood ng “Gift of Life” episode nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Christmas seryeng Give Love on Christmas.

Base sa obserbasyon ng mga nakapanood, “Bakit po walang kilig sina Ge at Maja sa Gift of Life? Parang hindi sila magdyowa. Bakit hindi sila kinikilig? Bakit parang pilit lang ang acting nila?”

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Siyempre, Bossing DMB, hindi namin masagot dahil hindi naman namin napapanood ang nasabing mini-serye nina Gerald at Maja dahil late kami magising. Inisip namin na baka naiilang talagang magkatrabaho sina Gerald at Maja dahil dati na naman nila nasabing ayaw nilang magsama sa isang project pero hindi lang sila nakatanggi dahil maganda ang project na ibinigay sa kanila ng Dreamscape Entertainment.

Samantala, looking forward ang mga nag-text sa amin sa tambalang KC Concepcion at Paulo Avelino na mapapanood ngayong araw na may titulong “Exchange Gift” dahil nakakakilig daw kahit sa trailer pa lang.

Natiyempuhan din namin ang trailer ng “Exchange Gift” at may kilig nga ang dalawa kahit hindi pa nila inaamin officially na mag-on na sila kundi mag-best friends lang... daw.

Alam naming may pagkakomedyana si KC pero si Paulo, hindi namin alam na marunong din palang magpatawa kahit seryoso ang facial expression.

At higit sa lahat, ang guwapo at ang ganda nila pareho sa screen kaya nakakatuwang panoorin. Wish namin pagsamahin sila sa pelikula.