Sa kulungan na inabutan ng pagpasok ng 2015 ang isang security guard makaraang maaresto siya ng mga pulis matapos siyang magpaputok ng baril dala ng labis na kalasingan sa Valenzuela City, noong Huwebes ng hapon.

Sa report kay Senior Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, kasong illegal possession of firearms and ammunitions ang kinakaharap ni Joeman Falalimpa, 32, ng No. 92 Interior Compound, Barangay Maysan, ng nasabing lungsod.

Nasamsam sa suspek ang .38 caliber armscor na nakarehistro sa PRS Security Agency.

Sinabi ni Armamento na dakong 4:30 ng hapon nang lasing na nagwawala si Falalimpa malapit sa binabantayang establisimyento sa No. 9 Buenaventura Street sa Bgy. Dalandanan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi sinabi ng suspek kung bakit siya nagwala.