Ni JONATHAN M. HICAP

Isang walong taong gulang na babae ang umano’y minolestiya ng isang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Bagong Taon.

Ayon kay Supt. Richard Schwarzkopf Jr., ng NBP, nangyari umano ang pang-aabuso sa loob ng maximum security compound.

Kasama ng biktima ang ina upang bisitahin nitong Huwebes ang kanyang ama na nakapiit sa NBP.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Schwarzkopf na nangyari ang umano’y pangmomolestiya sa banyo ng isang kapilya sa maximum security compound at natagpuan ang bata dakong 5:00 ng hapon nang araw na iyon.

Inihiwalay na sa ibang selda ang suspek na si Norvin Domingo at kakasuhan ng pang-aabusong seksuwal sa bata.

Ayon kay Schwarzkopf, isinugod ang bata sa ospital para suriin at batay sa medico-legal report ay walang genital injury ang paslit.

Ieendorso ng BuCor ang kaso, ayon kay Schwarzkopf.

Karaniwan nang bumibisita ang mga pamilya sa NBP tuwing Pasko at Bagong Taon para makapiling ang mga kaanak nilang bilanggo.