ROME/ATHENS (Reuters)— Nailikas ng rescue teams ang mahigit 400 katao mula sa isa isang car ferry na nasunog sa Adriatic Sea malapit sa Greece sa 36-oras na operasyon sa maalong karagatan, ngunit 10 katao ang namatay sa trahedya.

Patuloy ang Italian at Greek authorities sa air search ng karagatan sa paligid ng barko habang beniberipika ang bilang ng mga pasahero na nasakasay, sa pangamba na mayroong nawawala.

Sumiklab ang sunog noong Linggo sa isang vehicle deck ng Norman Atlantic ferry, na batay sa manifesto ay dapat na may sakay na 478 pasahero at mahigit 200 behikulo. Pinahirapan ang rescue efforts ng kumplikadong panahon.

Inabandona ng Italian captain na si Argilio Giacomazzi ang barko nang matiyak na nailikas na ang lahat, sinabi ni Italian Transport Minister Maurizio Lupi. Limampu’t anim na crew member ang inilikas, habang 234 sa mga inilikas ay mga Greek, 54 Turkish, 22 Albanian at 22 Italian, ayon kay Lupi. Hindi niya kinumpirma ang ulat mula sa Greece na mayroong 38 na nawawala pa rin.
National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8