May kabuuang 113 na ang nasugatan dahil sa paputok batay sa huling tala dakong 6:00 ng umaga kahapon, ayon kay Department of Health (DoH) Assistant Secretary Gerardo Bayugo.

Binasa ang pahayag ni acting Health Secretary Janette Garin, sinabi ni Bayugo na ang nasabing bilang ay mas nabawasan ng 86 na kaso o 43 porsiyentong mas mababa kumpara sa naiulat sa kaparehong panahon noong 2013.

Gayunman, ang DoH “still find the trend unacceptable, especially on cases where injuries resulted to permanent consequences.”

“Ang bawat isang buhay ay mahalaga. The lower number of cases only encourages DoH to intensify its campaign to stop the use of firecrackers in merry-making to welcome the New Year,” saad sa pahayag ni Garin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Karamihan sa mga kaso ay mula sa National Capital Region, nasa 39 na porsiyento.

Karamihan sa mga pagkasugat ay dahil sa piccolo, na may 75 kaso. Walo ang sanhi ng hindi pa matukoy na paputok; anim ang nasugatan sa 5-star; lima ang dahil sa Camara; at apat ang nasaktan sa boga.

“Ipinagbabawal po ang piccolo. Umaapela kami sa mga magulang, sila ang may kontrol sa kani-kanilang anak. Huwag nilang hayaang magpaputok ang kanilang mga anak, lalo na dahil karamihan sa gumagamit ng Piccolo Tabbaday bata,” sinabi ni Bayugo sa mga mamamahayag.

Samantala, wala pang naitatalang natamaan ng ligaw na bala.

Sa 113 kaso ng naputukan ay 39 na kaso o 35 porsiyento nito ay kinasasangkutan ng mga batang wala pang sampung taong gulang.

“Mayroong isang bata na naputukan, hindi naman namatay, pero ‘yong kanyang kanang kamay ay kailangan putulin. Hindi pa alam ang aksidenteng nakaputok, ito ay noong Pasko,” sabi ni Bayugo, idinagdag na limang taong gulang pa lang ang biktima.

Ang isa pang biktima, aniya, ay siyam na taong gulang na naputulan ng kaliwang kamay makaraang masabugan ng Piccolo noong Pasko sa Maynila, ayon kay Director Cirilo Galindez, ng DoH.