WAGAS na pagmamahal sa mga magulang ang iiwang aral ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa viewers bago matapos ang 2014 sa “Puppy Ever After” finale ngWansapanataym Presents Puppy ko si Papi bukas ng gabi.

Sa pagdating ng takdang oras na ibinigay sa kanila, isasakripisyo ni Iris (Kathryn) ang kanyang sarili at hihilingin na sa kanya na lamang mapunta ang sumpa na naibigay niya sa kanyang ama na si Douglas (Dominic Ochoa).

Ano ang gagawin ni Iris sa kapag napunta na sa kanya ang parusa at tuluyan na siyang maging aso? Ang matibay na samahan at pagmamahalan ba ng mag-ama ang magiging susi upang matanggal na ang sumpa? Sa huli, matututuhan na ba ni Iris na pahalagahan ang pagmamahal at pagprotekta ng kanyang tatay para sa kanila ng kanyang kapatid?

Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus, mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksyon ni Don Cuaresma.
Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara