Isang tricycle driver ang namatay matapos pagsasaksakin ng isang basurero nang makita ang live-in partner ng huli na nakaupo sa tabi ng biktima sa ipinamamasada nito sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto Bergonia, 40, ng Barangay Krus na Ligas, Teachers’ Village, Quezon City.

Lumitaw sa imbestigasyon na namataan ng suspek na si Jhible Avilla, 38, tubong Cebu, ang kanyang kinakasama habang nakaupo sa tabi ni Bergonia sa tricycle ng biktima dakong 11:00 ng umaga.

Nagdilim umano ang paningin ni Avilla at walang sabi-sabing nilusob si Bergonia at tinarakan ng patalim sa dibdib at ulo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bagamat tinangka pa umanong tumakbo ni Bergonia ay nakorner pa rin ito ni Avilla at muling pinagsasaksak hanggang bumagsak sa kalsada.

Ayon sa mga kapitbahay, matagal na umanong inaaswang ni Bergonia ang girlfriend ni Avilla.

Agad na tumakas ang biktima matapos ang insidente. - Betheena Kae V. Unite