Iminungkahi ng isa sa pangunahing grupo ng transportasyon ang mandatory insurance para sa mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV) at mga empleyado.

Personal na hiniling ni Orlando Marquez, National president of Liga ng Tsuper at Opereytor sa Pilipinas (LTOP) sa Senado at House of Representatives na gawing batas at himukin ang lahat ng driver at mga empleyado na maging mandatory insured.

Ibinatay ni Marquez ang R.A 8042 o Migrant Workers at Overseas Filipino Act of 1995 o Compulsory Insurance Coverage sa Agency-Hired Overseas Filipino Workers.

“Bakit ang mga OFW lang, dapat kami rin dahil lagi kaming nasa kalye at mga empleyado rin kami,” punto ni Marquez.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Umapela si Marquez sa mga mambabatas na amiyendahan o gumawa ng ibang batas para sa mga drivers at employees na mandating compulsory insurance coverage.

Anila, sa pag-aaral sa halos dalawang dekada, lumilitaw na pinakakawawa ang driver kapag naaksidente, na sila ay kailangan pang mangutang para may maibayad sa mga gastusin, madalas napipilitang silang tumakas sa kinasangkutang sakuna.

Umaasa ang opisyal ng LTOP sa mga senators at congressmen na papansinin ang kanilang apela para sa kapakanan at kaligtasan ng mga tsuper na itinuturing ding mga empleyado ng bansa.