DALLAS (AP)- Muling pinagpahinga sa ikatlong pagkakataon si Kobe Bryant upang pagalingin ang kanyang sore body subalit inaasahang magbabalik sa lineup sa pagbabalik ng Lakers sa sariling tahanan sa susunod nilang outing.
Hindi pinaglaro si Bryant kahapon kontra sa Dallas, subalit sinabi ni coach Byron Scott na ang kanyang star ay ,''feels pretty good about going'' na inaasahang makapaglalaro bukas kontra sa Phoenix.
Sinabi ng 36-anyos na si Bryant na ang kanyang tuhod, paa, likuran at Achilles tendons ay pawang namamaga.
Na-sidelined ito noong Miyerkules kung saan ay tinalo ng Los Angeles ang NBA-leading Golden State sa sariling pamamahay, at muli noong Christmas laban sa Chicago. Ang Mavericks ay ang ikatatlo sa apat na pagsabak ng Lakers.
''If he had felt good he would have gone last night and tonight as well,'' pahayag ni Scott bago kinaharap ng Lakers ang Mavericks, tinalo sila sa 140-106 noong nakaraang buwan sa Dallas. ''Just didn't feel good last night and back-to-back 24 hours, not going to feel a whole lot better. I think he feels pretty good about going for Sunday's game.''
Sinabi ni Scott na ang pagkakabawas sa minuto ni Bryant ay kanya nang kinukonsidera sa pagbabalik ng kanyang star sa laro. Siya’y may average team-high na 35.5 minuto, may 3 kakulangan sa kada laro na malayo sa kanyang nakaraang dalawang full seasons noong 2011-2012 at 2012-13.
Napunit ni Bryant ang kanyang kaliwang Achilles sa huling bahagi ng 2012-13 season, at naglaro lamang ng anim sa nakaraang season nang mapinsala naman ang kanyang kaliwang tuhod noong nakaraang Disyembre.
''We both thought that 30-40 minute mark was pretty good,'' paliwanag ni Scott. ''Obviously we're going to have to adjust that a little bit. But this is new for both of us.''
Sa kanyang ika-19 NBA season, umentra si Bryant kahapon bilang ikatlo sa liga pagdating sa scoring na taglay ang 24.6 points per game. Nilagpasan nito si Michael Jordan sa ikatlong puwesto sa career scoring list noong Disyembre 14 sa Minnesota.