Umaabot sa 19 katao ang isinugod sa ospital kahapon makaraang mabiktima ng paputok sa pagsalubong ng Pasko sa Cagayan de Oro City at Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office, 10 katao ang nasabugan ng piccolo.

Pito sa mga biktima ay kinilalang sina Mark Jun Bernaldes, Joel Badilla, Meja Mesina, Jodel Dabatian, John Anthony Rosil, Prince Cyrus Dagani at Ivan Quisala pawang mga menor de edad. At tatlo pa sa mga ito ay hindi pa nakikilala.

Habang sa Pangasinan ay may naitalang 9 na katao ang biktima ng paputok.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Dahil dito, muling nagpaalala ang mga pulisya na maging maingat at kung maaari ay huwag na lamang magpaputok.