Malungkot ang Pasko ng ilang residente na nasunog ang tirahan sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na report ni Makati Fire Department Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, dakong 2:25 ng madaling araw sumiklab ang apoy sa bahay ni Gloria Calimag sa Balagtas Street, Barangay West Rembo.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang apat pang katabing bahay. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula 3:05 ng madaling araw.

Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog.

Umaapela ngayon ng tulong ang mga nasunugan sa pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang pansamantalang matutuluyan at pangangailangan.