Noong Disyembre 14, ika-11 anibersaryo ng pagpanaw ng aking bayani, si Ka Blas Ople ang Ama ng Overseas Filipino Workers (OFW) program na nagawang paangatin ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
Noong 1957, sa pagdaraos ng First National Student Press Congress sa Lyceum of the Philippines sa Intramuros, nakadaupang-palad ko ang ilang tanyag sa National Press Club (NPC), kabilang sina Ernie
Granada, Joe Aspiras, at Blas Ople.
Noong 1959, sinabi sa akin ng aking editor-publisher at Manila Times correspondent Felipe “Pep” Delfin na makipagkita ako kay Blas Ople sa isang event ng Capiz Press Club sa Roxas City. Ipinarating ko sa kanya ang pagnanais ng Aklan journalists at student leaders na makipagkita sa kanya. Pumayag siya at bumiyahe kami ng 25 minuto lulan ng isang eroplano mula Loctogan airport patungong Kalibo.
Kahit noon pa man, pamilyar na si Ka Blas sa mga personalidad sa Aklan tulad nina Congressman Godofredo Ramos, Dr. Artemio Nabor, at magkapatid na Beato at Roman Dela Cruz, lahat kilalang manunulat. Sa loob ng isang linggo, nakapulong niya ang Aklan nationalist advocates ng National Progress Movement (NPM) kung saan naglingkod siya bilang national vice chairman sa ilalim ng chairman nito na si retired Col. Mohammad De Venancio.
Sapagkat batid niya ang aking pagiging College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Vice president, at Conference Delegates Association (CONDA) Asian Youth Forum chairman, pati na ang mga limitasyon sa paglinang ng aking aktibong interes sa student at youth movements, isinama niya ako sa Maynila at ipinakilala sa kanyang mga kaibigan at mga kakilala at kay NPC president Mac Vicencio, na humimok sa aking maging aktibo sa mga gawain ng NPC bilang isa sa mga halal na opisyal nito.
Kalaunan, hiniling sa akin ni Vicencio na organisahin ang Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines (FPPCP) kung saan binuo nina Ka Doroy Valencia, Ople, Ernie Granada, Mao Chanco, Leon Aureus ng Bicol at Joe Aspiras bilang kaakibat ng NPC, naging premyadong kapatiran ng mga peryodista ng bansa.
Taglay ang inspirasyon at patnubay ni Ka Blas, naging pangulo ako kalaunan ng Manila Overseas Press Club and the Publishers Association of the Philippines, Inc. bukod sa pagiging director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine National Red Cross governor, UNESCO commissioner, National Book Development Board (NBDB) governor, at National Development Company director at Philippines Graphic publisher. Ginawa rin niya akong miyembro ng kanyang maraming misyon sa ibayong dagat.
Bukod sa kanyang legasiya ng overseas employment program, tumulong din si Ka Blas sa pagpapahusay ng major players sa gobyerno at sa pribadong sektor.
Happy New Year!