TAIPEI (AFP)— Sinampal ng Taiwan ng serye ng multa ang app-based taxi service na Uber sa ilegal na operasyon, ang huli sa serye ng dumagok sa US company na sangkot sa ilang international disputes.

Sinabi ng isang tagapagsalita para sa highways department ng isla na ang popular ngunit kontrobersyal na Uber ay rumehistro sa gobyerno bilang isang kumpanya, ngunit hindi idineklara na nag-aalok ito ng transport services.

Pinaigting ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon sa kumpanya bilang tugon sa galit ng ibang taxi driver na nagsabing hindi makatarungan na malaki ang nababawas sa kanilang kinikita dahil sa app.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente