Walang kakapusan ng supply ng mga karne ng manok at baboy ngayong Pasko at Bagong Taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ito ang tiniyak ni Agriculture Undersecretary Jose Reano kasunod ng isinagawa nilang monitoring sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila at sa karatig- lugar sa bansa.

Binanggit ni Reano| ang suggested retail price ng manok ngayon na hanggang P135 kada kilo habang ang karne ng baboy ay nasa P175-180 bawat kilo.

Nagbanta paa ng opisyal, kapag may lumabag na mga pamilihan sa ipinaiiral nilang SRP ay maaari silang isuplong sa kanilang opisina o sa mga katuwang nilang ahensya, katulad ng Department of Trade and Industry (DTI). Wala aniya silang rason upang magtaas ng presyo ng mga naturang produkto dahil sapat pa ang supply nito.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists